Pagbabalik-tanaw: Akademikong paglalakbay ng mga unang mag-aaral ng BSED-Filipino
Date
Authors
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Degree Grantor
Abstract
Nilayon ng pag-aaral na ito ay malaman ang karanasan ng unang mag-aaral ng BSEd-Filipino sa Davao del Sur State College. Ito ay upang tukuyin ang mga pagsubok sa kanilang akademikong pag-aaral, alamin ang mga salik na nakakaapekto sa kanilang edukasyon at maunawaan ang mga pamamaraan na ginagamit nila upang harapin at malampasan ang kanilang mga pagsubok. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa labintalong (13) unang mag-aaral sa BSED-Filipino ng Davao del Sur State College. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng kwalitatibo-penomenolohikal na pananaliksik upang malaman ang mga karanasan ng mga unang mag-aaral sa BSED-Filipino. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng in-depth interview at ang mga gabay na tanong sa pananaliksik. Lumabas sa pananaliksik ang mga hamon at pagsubok na kinahaharap ng mga unang mag-aaral sa BSED- Filipino na may apat (4) na pangunahing tema, ito ang hamong pang-akademiko, mga sikolohikal na stressors, mga teknikal na hadlang at usaping pinansyal. Samantala, sa epekto ng mga hamon at pagsubok ng mga unang mag-aaral ng BSED-Filipino sa kanilang pag-aaral ay lumabas sa isinagawang panayam ang tatlong (3) pangunahing mga tema, ito ang epekto sa akademiko, kakulangan sa pagdalo at pakikilahok, at ang epekto sa kalusugan ng pag-iisip at kapakakanan. Sa kabilang banda, sa paraan ng pagtugon ng mga unang mag-aaral ng BSED-Filipino para malagpasan ang mga hamon sa pagsubok na kanilang kinahaharap ay may lumabas na tatlong (3) pangunahing tema, ito ang tulong at gabay sa pag-aaral, pag- unlad sa sarili at ang kanilang motibasyon. Sa pangkalahatan, masasabing dapat pangtuonan ang mga karanasan ng mga unang mag-aaral sa BSED- Filipino upang mas maging matagumpay sila sa kanilang akademikong paglalakbay.
Description
Geographic Names
Citation
Banlasan, M. J. M., Jr. (2024). Pagbabalik-tanaw: Akademikong paglalakbay ng mga unang mag-aaral ng BSED-Filipino [Undergraduate thesis, Davao del Sur State College]. Davao del Sur State College Institutional Repository.
