Repository logo
Davao del Sur State CollegeDSSCInstitutional Repository
 

Interaktibong kagamitan sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino

dc.contributor.advisorElevado, Leslie C
dc.contributor.authorLamosa, Wesley P.
dc.contributor.chairRosil, Cindy B.
dc.date.accessioned2026-08-26T00:19:04Z
dc.date.issued2024-05
dc.description.abstractAng pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang ugnayan ng antas ng persepsyon sa paggamit ng interaktibong kagamitan at akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang layunin ng pag- aaral ay ang sumusunod: (1) malaman ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng interaktibong kagamitan sa apat na aspeto: kontribusyon sa pagkatuto, motibasyon, epektibidad, at negatibong epekto; (2) malaman ang akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino; (3) matukoy ang makabuluhang ugnayan ng antas ng persepsyon sa paggamit ng interaktibong kagamitan at akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang disenyo ng pag-aaral ay deskriptibong korelasyonal at ginamit ang sarbey kwestyuner bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng datos. Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay may kabuuang 108 na nagmula sa mga mag- aaral ng ika-sampung baitang, na pinili sa pamamagitan ng stratified random sampling at slovin's formula. Upang makamit ang mga layunin, ang mga datos ay inanalisa gamit ang mga istatistikang mean, standard deviation, at Pearson's r. Natuklasan na walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng antas ng persepsyon sa paggamit ng interaktibong kagamitan at akademikong performans ng mga mag-aaral kaya naman tinanggap ang null hipotesis. Samakatuwid, ang pagbabago sa antas ng persepsyon sa paggamit ng interaktibong kagamitan ay hindi direktang magreresulta sa pagbabago rin ng akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Bilang rekomendasyon, inirerekomenda ang pagpapalakas ng mga programa at patakaran sa Kagawaran ng Edukasyon upang mapabuti ang paggamit ng interaktibong kagamitan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Dapat ding bigyan ng suporta at pagsasanay ang mga guro sa tamang paggamit ng interaktibong kagamitan sa pagtuturo. Sa kabuuan, ang pag-aaral ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon at magbigay ng masusing kaalaman sa ugnayan ng interaktibong kagamitan at pag-aaral.
dc.identifier.citationLamosa, W. P. (2024). Interaktibong kagamitan sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino [Undergraduate thesis, Davao del Sur State College]. Davao del Sur State College Institutional Repository.
dc.identifier.urihttps://hdl.handle.net/20.500.14578/417
dc.language.isofil
dc.publisherDavao del Sur State College
dc.subjectinteraktibong kagamitan
dc.subjectakademikong performans
dc.subjectFilipino
dc.subjectteknolohiya
dc.subject.lcshFilipino
dc.titleInteraktibong kagamitan sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino
dc.typeThesis
local.subjectinteraktibong kagamitan
local.subjectakademikong performans
local.subjectFilipino
local.subjectteknolohiya
local.subject.sdgSDG 4 - Quality education
thesis.degree.departmentInstitute of Teacher Education
thesis.degree.disciplineMajor in Filipino
thesis.degree.grantorDavao del Sur State College
thesis.degree.levelUndergraduate
thesis.degree.nameBachelor of Secondary Education

Files

Original bundle

Now showing 1 - 1 of 1
Thumbnail Image
Name:
UT-MD-BSED-FIL-2024-LamosaWP-AB.pdf
Size:
58.27 KB
Format:
Adobe Portable Document Format

License bundle

Now showing 1 - 1 of 1
No Thumbnail Available
Name:
license.txt
Size:
1.71 KB
Format:
Item-specific license agreed to upon submission
Description: