Undergraduate Theses
Permanent URI for this collectionhttps://hdl.handle.net/20.500.14578/5
Browse
Item Antas ng paggamit ng multimidya sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa baitang 9Flores, Ria Jean F. (Davao del Sur State College, 2024-05)Ang pag-aaral na ito ay nilayong sinuri ang ugnayan ng antas paggamit ng multimidya at akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa baitang 9 ng Matti National High School. Ang layunin ng pag-aaral ay ang sumusunod: (1) malaman ang antas ng paggamit ng multimidya sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa apat na aspeto: motibasyon, kontribusyon sa pagkatuto, interaksyon, at pakikilahok; (2) malaman ang akademikong performans ng mga mag-aaral sa paggamit ng multimidya; (3) matukoy ang makabuluhang ugnayan ng antas ng paggamit ng multimidya sa pagkatuto ng mga mag-aaral at sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang disenyo ng pag-aaral ay deskriptibong korelasyonal at ginamit ang sarbey kwestyuner bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng datos. Ang mga datos ay inalisa gamit ang mga istadistikang mean, at Pearson's r. Natuklasan na mataas ang antas ng paggamit multimidya sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa apat na aspeto. Nakita rin ang kabuuang akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino na nasa antas ng "Satisfactory". Sa kabilang banda, lumabas na walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng antas ng paggamit ng multimidya sa pagkatutuo ng mga mag- aaral at akademikong performans ng mga mag-aaral. Bilang rekomendasyon, inirerekomenda sa punongguro, mahalaga ang patuloy na pagpapalakas ng mga programa at patakaran sa paggamit ng multimidya sa asignaturang Filipino, kahit walang direktang ugnayan sa akademikong performans. Kailangang tiyakin na ang mga ito ay nagtataguyod ng mahusay na paggamit ng teknolohiya bilang kasangkapan sa pagtuturo at pagkatuto, kahit hindi ito nagreresulta sa direktang pag-angat ng marka ng mga mag-aaral. Para sa mga guro, mahalaga pa rin ang patuloy na pagsasanay at pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa paggamit ng multimidya sa pagtuturo, kahit walang malinaw na ugnayan sa pag-angat ng marka ng mga mag-aaral. Sa kabuuan ang pag-aaral ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon at magbigay ng masusing kaalaman sa ugnayan ng multimidya at pag-aaral.Item Interaktibong kagamitan sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang FilipinoLamosa, Wesley P. (Davao del Sur State College, 2024-05)Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang ugnayan ng antas ng persepsyon sa paggamit ng interaktibong kagamitan at akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang layunin ng pag- aaral ay ang sumusunod: (1) malaman ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng interaktibong kagamitan sa apat na aspeto: kontribusyon sa pagkatuto, motibasyon, epektibidad, at negatibong epekto; (2) malaman ang akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino; (3) matukoy ang makabuluhang ugnayan ng antas ng persepsyon sa paggamit ng interaktibong kagamitan at akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang disenyo ng pag-aaral ay deskriptibong korelasyonal at ginamit ang sarbey kwestyuner bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng datos. Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay may kabuuang 108 na nagmula sa mga mag- aaral ng ika-sampung baitang, na pinili sa pamamagitan ng stratified random sampling at slovin's formula. Upang makamit ang mga layunin, ang mga datos ay inanalisa gamit ang mga istatistikang mean, standard deviation, at Pearson's r. Natuklasan na walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng antas ng persepsyon sa paggamit ng interaktibong kagamitan at akademikong performans ng mga mag-aaral kaya naman tinanggap ang null hipotesis. Samakatuwid, ang pagbabago sa antas ng persepsyon sa paggamit ng interaktibong kagamitan ay hindi direktang magreresulta sa pagbabago rin ng akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Bilang rekomendasyon, inirerekomenda ang pagpapalakas ng mga programa at patakaran sa Kagawaran ng Edukasyon upang mapabuti ang paggamit ng interaktibong kagamitan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Dapat ding bigyan ng suporta at pagsasanay ang mga guro sa tamang paggamit ng interaktibong kagamitan sa pagtuturo. Sa kabuuan, ang pag-aaral ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon at magbigay ng masusing kaalaman sa ugnayan ng interaktibong kagamitan at pag-aaral.
