Repository logo
Davao del Sur State CollegeDSSCInstitutional Repository
 

Undergraduate Theses

Permanent URI for this collectionhttps://hdl.handle.net/20.500.14578/5

Browse

Search Results

Now showing 1 - 2 of 2
  • Thumbnail Image
    Item
    Pagbabalik-tanaw: Akademikong paglalakbay ng mga unang mag-aaral ng BSED-Filipino
    Banlasan, Michael Jack M., Jr. (Davao del Sur State College, 2024-05)
    Nilayon ng pag-aaral na ito ay malaman ang karanasan ng unang mag-aaral ng BSEd-Filipino sa Davao del Sur State College. Ito ay upang tukuyin ang mga pagsubok sa kanilang akademikong pag-aaral, alamin ang mga salik na nakakaapekto sa kanilang edukasyon at maunawaan ang mga pamamaraan na ginagamit nila upang harapin at malampasan ang kanilang mga pagsubok. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa labintalong (13) unang mag-aaral sa BSED-Filipino ng Davao del Sur State College. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng kwalitatibo-penomenolohikal na pananaliksik upang malaman ang mga karanasan ng mga unang mag-aaral sa BSED-Filipino. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng in-depth interview at ang mga gabay na tanong sa pananaliksik. Lumabas sa pananaliksik ang mga hamon at pagsubok na kinahaharap ng mga unang mag-aaral sa BSED- Filipino na may apat (4) na pangunahing tema, ito ang hamong pang-akademiko, mga sikolohikal na stressors, mga teknikal na hadlang at usaping pinansyal. Samantala, sa epekto ng mga hamon at pagsubok ng mga unang mag-aaral ng BSED-Filipino sa kanilang pag-aaral ay lumabas sa isinagawang panayam ang tatlong (3) pangunahing mga tema, ito ang epekto sa akademiko, kakulangan sa pagdalo at pakikilahok, at ang epekto sa kalusugan ng pag-iisip at kapakakanan. Sa kabilang banda, sa paraan ng pagtugon ng mga unang mag-aaral ng BSED-Filipino para malagpasan ang mga hamon sa pagsubok na kanilang kinahaharap ay may lumabas na tatlong (3) pangunahing tema, ito ang tulong at gabay sa pag-aaral, pag- unlad sa sarili at ang kanilang motibasyon. Sa pangkalahatan, masasabing dapat pangtuonan ang mga karanasan ng mga unang mag-aaral sa BSED- Filipino upang mas maging matagumpay sila sa kanilang akademikong paglalakbay.
  • Thumbnail Image
    Item
    Antas ng paggamit ng multimidya sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa baitang 9
    Flores, Ria Jean F. (Davao del Sur State College, 2024-05)
    Ang pag-aaral na ito ay nilayong sinuri ang ugnayan ng antas paggamit ng multimidya at akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa baitang 9 ng Matti National High School. Ang layunin ng pag-aaral ay ang sumusunod: (1) malaman ang antas ng paggamit ng multimidya sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa apat na aspeto: motibasyon, kontribusyon sa pagkatuto, interaksyon, at pakikilahok; (2) malaman ang akademikong performans ng mga mag-aaral sa paggamit ng multimidya; (3) matukoy ang makabuluhang ugnayan ng antas ng paggamit ng multimidya sa pagkatuto ng mga mag-aaral at sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang disenyo ng pag-aaral ay deskriptibong korelasyonal at ginamit ang sarbey kwestyuner bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng datos. Ang mga datos ay inalisa gamit ang mga istadistikang mean, at Pearson's r. Natuklasan na mataas ang antas ng paggamit multimidya sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa apat na aspeto. Nakita rin ang kabuuang akademikong performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino na nasa antas ng "Satisfactory". Sa kabilang banda, lumabas na walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng antas ng paggamit ng multimidya sa pagkatutuo ng mga mag- aaral at akademikong performans ng mga mag-aaral. Bilang rekomendasyon, inirerekomenda sa punongguro, mahalaga ang patuloy na pagpapalakas ng mga programa at patakaran sa paggamit ng multimidya sa asignaturang Filipino, kahit walang direktang ugnayan sa akademikong performans. Kailangang tiyakin na ang mga ito ay nagtataguyod ng mahusay na paggamit ng teknolohiya bilang kasangkapan sa pagtuturo at pagkatuto, kahit hindi ito nagreresulta sa direktang pag-angat ng marka ng mga mag-aaral. Para sa mga guro, mahalaga pa rin ang patuloy na pagsasanay at pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa paggamit ng multimidya sa pagtuturo, kahit walang malinaw na ugnayan sa pag-angat ng marka ng mga mag-aaral. Sa kabuuan ang pag-aaral ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon at magbigay ng masusing kaalaman sa ugnayan ng multimidya at pag-aaral.